Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Papua New Guinea national, patay sa hotel

$
0
0

DALAWANG beses munang nahimatay bago tuluyang nalagutan ng hininga ang isang Papua New Guinea national sa tinutuluyang hotel sa Malate, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Sakiasi Genewa, 59, tubong Samarai, MilneyBay Province at pansamantalang nanunuluyan sa 304 Lovely Moon Hotel na matatagpuan   sa 1718 Jorge Bacobo St ng nasabi ding lugar.

Sa report ni SPO2 Ronald Gallo, imbestigador ng MPD-Homicide Section, ganap na alas 3:15 kahapon ng maganap ang insidente sa loob ng tinutuluyang kuwarto ng biktima.

Nabatid na ang biktima ay nag-check sa hotel noong July 10,2013 at petsa 17 naman nang ma-confined sa Ospital ng Manila dahil sa severe alcohol intoxication cerebral infraction.

Kahapon ganap na alas 2:00 ng hapon ay umuwi ang biktima sa hotel na ineskortan ng Hospital volunteer.

Habang paakyat ng hagdan ay nag-collapse ang biktima ngunit nakarekober din agad.

Makalipas ang 15 minuto habang nagpapahinga sa kuwarto ang biktima ay muling nag-collapse.

Bunsod nito, humingi ng tulong ang hotel staff ng emergency assistance sa Manila Doctors Hospital Emergency team na siyang nagresponde kung saan idineklarang patay na ang biktima dakong alas 4:15 kahapon.

Dinala ang labi ng biktima sa Arc Miguel Funeral Homes para sa autopsy at safekeeping.

The post Papua New Guinea national, patay sa hotel appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>