WALANG ulo at ari nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa tabi ng ilog sa Sitio Pangyan, Barangay Poblacion Malungon, Sarangani Province.
Ayon kay C/Insp Lorovie Rojo, chief of police ng Malungon PNP, patuloy pa rin ang kanilang ginagawang imbestigasyon sa naturang bangkay upang kilalanin naturang lalaki.
Wala pang alam ang mga awtoridad kung nasaan na ang mga nawawalang bahagi ng katawan ng nasabing biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo at kung sino ang responsable sa naturang krimen.
Ang bangkay ay may tattoo na gagamba sa kaliwang bahagi ng dibdib.
The post Pugot na bangkay ng lalaki, natagpuang walang ari appeared first on Remate.