LUMIIT na ang tsansa ng low pressure area (LPA) sa Mindanao na maging bagong bagyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon kay Pagasa forecaster Joey Figuracion, malabo ng maging isang bagyo ang LPA kasunod ng pagtama ng naturang namumuong sama ng panahon sa kalupaan.
Huling namataan ang LPA sa bisinidad ng Surigao City (9.8°N, 125.8°E).
Paliwanag ni Figuracion, humihina at nawawalan ng gaanong sirkulasyon ang isang weather system kapag tumatama ito sa lupa.
Gayunman, asahan pa rin umano na magdudulot ito ng ulan at posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
The post LPA, nasa Surigao na ngayon – PAGASA appeared first on Remate.