ITINYEMPO ng kilabot na mga miyembro ng akyat bahay gang ang malakas na pagbuhos ng ulan para ilatag ang kanilang panloloob sa tatlong kabayahan sa Quezon City.
Sa tatlong magkakahiwalay na panloloob, nakapag-uwi ang mga kawatan ng aabot sa halagang P2.8 milyong ng pera at alahas.
Sa pinakahuling panloloob, anim na armadong kalalakihan ang pumasok sa bahay ng magkapatid na sina Elena at Elesa Dy, residente ng Global Street, Quezon City nitong Linggo ng gabi.
Habang nililimas ang pera at alahas na may halagang P1.5 milyong piso ay binalutan ng mga suspect ng kumot ang magkapatid para maikubli ang kanilang mga mukha.
Sa hiwalay na lugar sa Quezon City, pinasok din ng mga miyembro ng akyat bahay ang isang bahay sa Fairview, Quezon City.
Nakuha naman ng dalawang kawatan ang isang vault sa bahay ng isang seaman na naglalaman ng mahigit sa P1 milyon.
Sa Fairview pa rin, napasok din ng akyat bahay ang bahay ni Nino Militar at natangay ang alahas at perang nagkakahalaga ng mahigit P300,000.
The post Akyat bahay gang nanalasa, 3 kabahayan, nilooban; P2.8-M natangay appeared first on Remate.