NAPISAK ang katawan ng isang batang lalaki habang dalawa naman ang sugatan nang bumigay at mabagsakan sila ng sementadong baluster ng stage sa Kawayanan Elementary School sa Pitogo, Quezon kaninang umaga.
Batay sa ulat, naatasang maglinis ang tatlo sa paligid ng entablado nang biglang bumigay ang baluster na dumagan sa kanila.
Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang biktima na si Andrew Miguel Acile, 6-taong gulang.
Habang isinugod naman sa ospital sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang dalawa pang estudyante na sina Ken Renill, 6 at Chrisiel Feren, 9, kapwa residente ng Barangay Kawayanan.
Inaalam pa ng awtoridad kung may kapabayaan o may dapat panagutan sa panig ng eskwelahan hinggil sa nasabing insidente.
The post Baluster ng eskuwelahan bumigay; grade 1 pupil, tigbak, 2 sugatan appeared first on Remate.