SYDNEY – ‘DI sukat akalain na ang masarap na ice-cream ang magiging mitsa ng buhay ng isang 2-anyos na bata matapos lapain ng alagang aso ng kanyang lola sa Sydney, Australia.
Naganap ang malagim na trahedya kahapon (Linggo) sa Deniliquin sa Southwestern New South Wales State at base sa ulat ng pulisya pumunta ang biktima na hindi pinangalanan sa labas para kumuha ng ice-cream mula sa refrigerator na nasa likod ng kanilang bahay. Sumunod ang aso sa paslit at saka inatake nang husto ang bata.
Hindi naman maliwanag kung ano ang nagtulak sa pag-atake. Tinangkang awatin ng nanay ang panlalapa pero hindi nila maalis ang bibig ng aso sa pagkakasakmal sa ulo ng biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
“The child’s grandmother, aged 70, intervened but was unable to release the child. The child’s mother arrived and fought the dog off the boy,” pahayag ng pulisya.
“He and his grandmother were taken to Deniliquin Hospital … but he died a short time later. The older woman has been treated for exhaustion, bruising and abrasions.”
Huli na bago pa napakalma ang aso at tumigil sa pagkakasagpang sa bata.
Sinabi ni Detective Inspector Darren Cloak ng Deniliquin police, ang pamilya ng biktima at ang local residents ay pawang na- shocked at “distraught” sa pagkakapatay ng paslit.
Hinala naman ni Cloak, maaaring sa kagustuhang maagaw ng aso ang kinakaing ice-cream ng paslit kaya nito nasakmal ang kawawang bata.
The post Paslit nilapa ng aso dahil sa ice cream, tigbak appeared first on Remate.