Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Muslim group pikon na sa car bombing

$
0
0

INALMAHAN na ng Muslim groups sa Metro Manila ang palagiang pagtukoy sa kanilang lahi bilang salarin sa mga insidente ng karahasan sa Mindanao gaya ng naganap na pagsabog sa Sinsuat Avenue, Cotabato City, Lunes ng hapon, kung saan umakyat na sa walo ang namatay.

Ayon kay Datu Basher Alonto, chairman ng Metro Manila Muslim Community for Justice and Peace, nakakasama ng loob na ang mga Muslim ang agad nasisisi tuwing may kaguluhan sa lalawigan.

Ayon kay Alonto, may ilang Muslim na dinadawit sa pagsabog sa Cotabato nitong Lunes kahit wala pang nakapagtuturo kung sinong nasa likod ng krimen.

Iginiit ni Alonto na hindi patas sa mga Muslim na paratangan sa krimen na hindi pa naiimbestigahan.

Itinanggi rin ni MILF Vice Chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar na ilang hinalang may kinalaman ang MILF sa naganap na pagpapasabog.

Ayon kay Jaafar, walang dahilan upang gawin ito ng grupo.

Naniniwala rin si Jaafar na hindi makaaapekto ang insidente sa peace process sa pagitan ng MILF at gobyerno ng Pilipinas dahil pursigido ang magkabilang panig na matatapos ang Bangsamoro agreement.

Tatlong anggulo naman ang tinitingnan ni Jaafar sa insidente at ito ay ang politika, kagagawan ng grupo na connected sa international terrorists at pananabotahe dahil sa isinusulong na peace talk sa Bangsamoro.

The post Muslim group pikon na sa car bombing appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>