SWAK sa kulungan ang isang hinihinalang pusakal na drug pusher matapos magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drug (SAID) ng Navotas pulis kaninang madaling-araw Aug. 8 sa M. Naval St., Northbay Boulevard South, Navotas City.
Kinilala ang suspek na si Pacifico Tatac y Tibay, alyas Jonjon, 32, binata, ng Carnation St., NBBS ng lungsod.
Sa imbestigasyon ni P02 Virgilio Marinduque, dakong ala 1:30 kaninang madaling-araw nang isagawa ang buy-bust operation sa nasabing lugar.
Nauna rito, nakatanggap ng mga reklamo ang tanggapan ni Sr. Supt. Conrado Gongon, hepe ng Navotas pulis, mula sa mga residente sa hinggil sa talamak na pag bebenta ng suspek ng shabu na naging parukyano ang mga kabataan sa lugar.
Inatasan ni Gongon ang taga-SAID na magsagawa ng surveillance at nang makumpirma ng awtoridad ang nasabing aktibidades ng suspek ay agad isinagawa ang buy- bust operation na pinangunahan ni P02 Manuel Tugade, P01 Rollie Balena, P01 Albert Yadan.
Nang iabot ng poseur buyer ang P500 marked money kay Pacifico (suspek) kapalit ng shabu, agad itong dinamba ng mga pulis at dinala sa presinto.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang (7) pitong pirasong maliit na plastic sachet ng shabu at ang marked money.
Kakasuhan si Pacifico ng paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drug Act sa piskalya ng lungsod.
The post Tulak ng droga sa Navotas, laglag sa buy-bust appeared first on Remate.