Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pekeng coordinator ng 4P’s, arestado

$
0
0

RIZAL – ARESTADO ang 27 anyos na ginang matapos na magpanggap na coordinator ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng pamahalaan at mangolekta ng pera kahapon ng umaga sa bayan ng Angono.

Kinilala ni Angono chief of Police P/Supt. Ruben Piquero, ang suspek na si Marilyn Verania, tubong Romblon at residente ng #119B Villaluz St., Brgy. Kalayaan ng nasabing bayan.

Ang suspek ay inireklamo ni Honey Infante, 24 anyos, may asawa, residente naman ng #2071 1st St., Caribe Subdivision, Brgy. San Vicente ng nasabi ring bayan.

Sa ulat, dakong 10:00 ng umaga nang lumapit ang biktima sa grupo ng Municipal Executive Action Group kaugnay ng pagre-recruit at panghihingi ng pera ng suspek para sa nasabing programa.

Nauna rito, ni-recruit ng suspek ang biktima sa programa ng Department of Social Welfare and Development na “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” kasabay ng pagpapakilala na siya ay empleyado ng Municipal SDWD.

Kaagad na bumuo ng team ang pulisya, MSDWD at ang Municipal Executive Action Group para sa isang entrapment operation.

Sa pamamagitan ng text messages ay kumagat ang suspek at tinanggap ang marked money na nagkakahalagang P1,500 kung kaya’t dinakma na siya ng mga awtoridad.

Narekober sa pag-iingat nito ang marked money, isang MSDWD ID na may pangalang Eliza G. Dizon na wala ring record.

Kasong Estafa (swindling) ang inihahandang ng pulisya laban sa suspek na nakakulong ngayon sa Angono Police Station.

The post Pekeng coordinator ng 4P’s, arestado appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>