Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Gov’t prosecutor, tiklo sa pangongotong

$
0
0

IMBES maging piskalya sa hinahawakang kaso, nanghingi ng padulas na pera ang isang government prosecutor sa mga miyembro ng Philippine Airlines Employee Association (PALEA) kapalit ng pagbasura sa kaso na kinahaharap ng nasabing asosasyon.

Si Assistant State Prosecutor, Diosdado Solidum Jr. ay dinampot nitong Huwebes ng hapon sa isang entrapment operation na inilatag ng awtoridad sa Quezon City.

Hindi naman nabanggit kung paano nabitag si Solidum Jr. at kung saan inilatag ang entrapment operation at kung magkano ang hiningi nitong grease money sa kanyang mga biktima.

Bago ito, sinabi ni Prosecutor General Claro Arellano, na nakatanggap ang DOJ ng reklamo mula sa PALEA na nanghihingi ng pera si Solidum mula sa nasabing grupo kapalit ng pagbasura sa kaso laban sa mga miyembro nito.

Nauna nang isinampa sa Pasay City Prosecutor Office laban sa may 200 PALEA members sa paglabag sa Section 81(b)(5) ng Republic Act 9497 ng Civil Aviation Authority Act of 2008.

Kinasuhan ang mga PALEA members ng grave coercion dahil sa pagputol ng serbisyo sa airport nang magkasa sila ng protesta laban sa pagtanggal sa kanila sa trabaho noong 2011.

The post Gov’t prosecutor, tiklo sa pangongotong appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>