Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kagawad nanapak ng tanod, inireklamo

$
0
0

INIREKLAMO ng isang Barangay Tanod ang kanyang Barangay Kagawad matapos siyang sapakin sa mukha dahil lamang sa shifting ng mga tanod sa Tondo, Maynila kagabi.

Nagtungo sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-General Assignment Section (GAS) ang biktimang si Noel De Guzman, 36, may-asawa, tanod, ng Brgy. 138 Zone 12, Balut, Tondo, Manila upang ireklamo si Jildo Jazareno, Brgy Kagawad ng nasabi ring barangay at residente ng 167 Ampioco St., Balut, Tondo.

Ayon kay PO2 Marlon Santos ng MPD-GAS, alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Ampioco St., Balut, Tondo.

Una rito, naka-duty umano si De Guzman nang dumating si Jazareno at sinita hinggil sa relyebo nilang mga tanod.

Nagpaliwanang umano si De Guzman subalit lalo lang ikinagalit ng suspek at sinabihan pa ang una ng “ang yabang mo”.

Hindi pa nakuntento, sinapak ng suspek ang biktima sa mukha na nakaapekto sa kanyang kanang mata.

Ipinagamot ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) saka ito nagsampa ng reklamo sa Balut Police Station kung saan inimbitahan si Jazareno subalit tumanggi ang huli dahilan upang tuluyang magsampa ng reklamo ang biktima sa MPD-GAS.

Kasong physical injuries ang isinampang kaso ni De Guzman laban sa Brgy. Kagawad.

The post Kagawad nanapak ng tanod, inireklamo appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>