KALABOSO ang isang lalaki matapos tutukan ng kutsilyo ang kanyang misis dahil lamang sa simpleng away mag-asawa.
Inireklamo ni Sherlie Ybanez, 43, ang kanyang asawa na si Romeo Ybanez, 54, pawang naninirahan sa 2045 Anak Bayan St., Malate, Manila, matapos siyang tutukan ng kutsilyo at saktan dakong 5:00 ng hapon kahapon sa naturang lugar.
Ayon kay SPO1 Teresita Solidarios, isang kaso pa ang kakaharapin ng suspek matapos umanong lamasin nito ang suso ng rumespondeng kagawad na si Carol Asubar, 42, naninirahan sa 1231 F. Munoz St., Malate, Manila, habang dinadala ito sa tanggapan ng Manila Police District (MPD) alas-10 ng gabi sa Maynila.
The post Mister nanutok ng kutsilyo, nanlamas pa ng suso, kalaboso appeared first on Remate.