Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pagbabawal sa QC sa motorsiklong may sakay na paslit, sinusuri na

$
0
0

PINAG-AARALAN na ngayon ng Quezon City council ang kanilang  panukalang ordinansa na nagbabawal sa mga kabataan na sumakay bilang pasahero sa mga motorsiklo.

Ang naturang hakbang na nilikha ni 6th District Councilor Melencio Castelo Jr., ay isang pamamaraan  para magtaguyod sa kaligtasan ng mga kabataan sa lansangan sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga gumagamit ng mga motorsiklong isinasakay ang mga kabataan na ang edad ay mas mababa sa 10 anyos na pasahero. Ang lalabag  ay mahaharap sa parusang pagbayad ng multa mula P1,000 hanggang P5,000.

Kung maipapasa, ito ang kauna-unahan na ordinansa sa Metro Manila, na karaniwan nang nakikita ang mga  motorsiko na may sakay na mga menor de edad at minsan pa ay mahigit sa isa.

Inihalimbawa ni Castelo ang isang pagaaral ng Safe Kids Philippines, isang non-organization group, na may 35,000 kabataang Pinoy sa buong bansa ang naaksidente sa kalsada kada taon  na ang karamihan sa kanila ay nabaldado o namatay.

Ang ipinanukalang ordinansa ay dinisenyo ng  Department of Public Order and Safety retired police general Elmo San Diego bilang enforcer.

The post Pagbabawal sa QC sa motorsiklong may sakay na paslit, sinusuri na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>