Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lalaki tinamaan ng kidlat habang nanonood ng TV, patay

$
0
0

NATUSTA ng buhay ang isang lalaki nang tamaan ng kidlat habang nanonood ng telebisyon sa Victorias City, Negros Occidental nitong nakaraang Miyerkules.

Naisugod pa sa ospital ang biktima na si Gidhurt Valencia, 19, ng Hda. Sagrado, Brgy 10, Victorias City pero idineklarang dead on arrival sanhi ng tinamong third degree burn sa katawan.

Sa ulat, naganap ang insidente nitong Miyerkules ng dakong 9:15 ng gabi sa mismong sala ng bahay ng biktima.

Bago ito, masayang nanonood ang biktima ng FIBA Asia Championship na ang naglalaban ay ang Gilas Pilipinas at koponan ng Qatar.

Pero sa gitna ng kanyang panonood biglang sumagitsit ang mahabang kiidlat at tinamaan ito sa dibdib.

Samantala, nahihiwagaan naman ang mga residente kung bakit marami na ang namatay sa kanilang lugar dahil sa tama ng kidlat.

Inihihingi nila ito ng paliwanag sa awtoridad.

The post Lalaki tinamaan ng kidlat habang nanonood ng TV, patay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>