Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Motor vs kotse: Rider utas, dyowa kritikal

$
0
0

PATAY ang 40-anyos na rider habang sugatan naman ang kanyang angkas na kalive-in nang mabangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng isang rumaragasang kotse kaninang madaling-araw Pasay City.

Dead on arrival sa Pasay City General Hospital si Wilfredo Sialongo, ng 111 Savas St. Access Road nang nasabing lungsod sanhi ng  matinding pinsala sa ulo sa kabila ng pagsusuot ng helmet gayundin ang matinding pinsala sa kanyang katawan.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas ang live-in partner ng namatay na si Janeth  Pitubu, 34, dahil sa mga sugat at pasa sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Kusang loob namang sumuko sa mga rumespondeng pulis ang driver ng Mazda 3 (ZTJ 733) na si Jestoni Bolilia, 23, ng Tangob Padre Garcia, Batangas matapos ang pagkakabundol sa mga biktima.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Ricardo Tan at PO3 Dominguez Bubud Bolla ng Station Investigation Detective Management Section ng Pasay City Police, alas-2:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa West Service Road, ng nasabing lungsod.

Sakay ang mga biktima sa Kawasaki Fury motorcycle (RA 1280) galing sa South Superhighway patungong West Service Road nang biglang sumulpot ang rumaragasang Mazda 3 na minamaneho ni Bolilia, galing naman sa Fort Bonifacio na naging dahilan upang mabangga ang gawing tagiliran ng motorsiklo na sinasakyan ng mga biktima.

Dahil dito, nawalan ng kontrol ang rider ng motorsiklo hanggang sumemplang at tumama ang ulo ni Sialongo sa semento, dahilan ng kanyang pagkamatay habang sugatan naman ang kanyang angkas na si Pitubu.

Kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide ang kahaharapin ng driver ng kotse.

The post Motor vs kotse: Rider utas, dyowa kritikal appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>