Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

15 mangingisda, nawawala

$
0
0

PINAGHAHANAP ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 15 mangingisda na iniulat na nawawala matapos maglayag kaninang madaling-araw sa lalawigan ng Catanduanes.

Ang nasabing mga mangingisda ay pawang mga taga-bayan ng Gigmoto.

Sinisikap naman ng PCG, kasama ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, na mangalap ng impormasyon sa pagkawala ng mga mangingisda.

Nauna rito, pumalaot umano ang 30 mangingisda sa kabila ng storm warning signal at banta ng bagyong “Labuyo” ngunit ang 15 lamang dito ang nakumpirmang nakabalik sa kanilang bayan habang ang 15 pa ay nawawala.

The post 15 mangingisda, nawawala appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129