Update: MAHIGIT 700 mga pasahero ang na-stranded sa Bicol region at Eastern Visayas dahil sa bagyong “Labuyo”.
Ito ay matapos na pagbawalan ng Philippine Coast Guard (PCG) na makapaglayag ang mga barko.
Sa kabuuang bilang, nasa 718 mga pasahero na ang stranded mula sa iba’t ibang lalawigan.
Sa Albay mayroon nang naitalang 53 stranded, 213 sa Sorsogon, 13 sa Catanduanes habang nasa 439 naman sa Catbalogan City.
Kasama ring na-stranded ang 92 rolling cargos, apat sa Albay, 79 sa Sorsogon at siyam sa Catanduanes.
Umabot na rin sa 10 barko ang hindi pinayagang makapaglayag kung saan dalawa sa Albay, 5 sa Sorsogon at 3 naman sa Catbalogan.
Ayon sa PCG, posible pang tumaas ang bilang ng mga stranded habang hindi pa nakakaalis sa PAR ang bagyong Labuyo.
The post 700 mga pasahero stranded dahil kay ‘Labuyo’ appeared first on Remate.