TIGOK ang isang mister nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa harap ng asawa, kamakalawa sa Brgy. San Rafael Village, Navotas City.
Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center si Anthony Joyce Dy, 39, may asawa, ng 53 Bernardo St., ng lungsod sanhi ng limang tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang parte ng katawan,
Mabilis tumakas ang mga suspek sakay ng get away motorcycle na kulay itim na hindi naplakahan.
Ayon sa ulat, ala0- 2:45 ng hapon nang maganap ang krimen sa General Lim St. ng nasabing barangay.
Nauna rito, naglalakad ang biktima kasama ang asawa nitong si Tuesday Dy, 38, negosyante, nang biglang lapitan ng isang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril nang malapitan.
Siniguro ng salarin na wala na itong buhay bago mabilis tumakbo sa may Simeon St., kung saan nakaparada ang nag-aantay na motorsiklo.
Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ang limang basyo ng kalibre .45 at isang replica ng pistol type na baril.
Inaalam ng pulisya ang tunay na motibo sa krimen.
The post Mister pinagbabaril sa harap ng asawa, patay appeared first on Remate.