IBINALANDRA sa gilid ng kalsada ang isang bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution sa Quezon City kaninang madaling- araw.
May halos sampung tama ng bala ng kalibre .45 ang ibinaon sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng hindi nakikilalang biktima na hinihinalang tinik sa lipunan.
Blangko naman ang Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) kung sino ang nasa likod nito pero malamang na ang pumatay ay ang vigilante group.
Sa imbestigasyon ni P01 Restituto Sardiaga, ng CIDU, nadiskubre ang bangkay ng isang motorista alas-4 kaninang madaling-araw sa Commonwealth Avenue sa Barangay Old Balara, Q.C.
Narekober sa crime scene ang 11 basyo ng bala ng baril na ayon kay Sardiaga ay isang palatandaan na matindi ang galit ng suspek sa biktima.
Dinala na sa punerarya ang naturang bangkay habang inaalam pa ang pagkakakilanlan at ang motibo sa pamamaril dito.
The post Salvage victim, ibinalandra sa QC appeared first on Remate.