Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pintor nagpuslit ng scrap wires, timbog

$
0
0

LAGING nasa huli ang pagsisisi.”

Ito ang katagang binigkas ng isang Security Officer na nakahuli noong Lunes ng hapon sa akto, sa isang pintor na sinasabing nagtatrabaho sa kanilang kompanya sa Hammer and Nail Warehouse sa 2930 1st Avenue, TBCAI, Barangay Bagumbayan, Taguig City.

Kinilala nina Hammer and Nail Warehouse Company Representative and Security Officer Alejandro R. Escopete, ang nahuling nagpupuslit umano ng may dalawang kilong scrap wires na tanso na si Rodolfo M. Dacuycoy, 17, pintor, nakatira sa 463 Purok 5, Barangay Tanyag, Taguig City.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Investigation and Detective Management Section, nabatid na dakong  4:00 ng hapon, ng mabisto ng Security Guard na si Ronnie Caasi ang tangkang pagpupuslit ni Dacuycoy ng may dalawang kilong pira-pirasong wire na tanso na pag-aari, aniya, ng kanilang kumpanya.

Ipinaliwanag ng Security Guard na bahagi ng kanyang trabaho at atas din ng kanilang management na busisiin ang laman ng bag ng lahat ng mga kawani bago ito lumabas ng kanilang establisimyento kung saan ay walang maipakitang gate pass si Dacuycoy hinggil sa nabanggit na bagay.

Dahil sa kanyang natuklasan, agad na binitbit ng security guard si Dacuycoy patungo sa kanyang hepe na si Escopete na gumawa naman ng hakbang upang isuko ito sa mga awtoridad.

Nahaharap sa kasong qualified theft ang ikinulong na salarin.

The post Pintor nagpuslit ng scrap wires, timbog appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>