PATAY na ng makita ang isang empleyado ng city hall na hinihinalang inatake sa puso sa loob ng Caloocan City Hall, Martes ng umaga, Agosto 13.
Nakilala ang biktima na si Exequiel Norbete, 53, ng Talakitok st., ng lungsod at miyembro ng General Services Office ng Caloocan City Hall.
Lumalabas na kagabi ay hindi nakauwi ng kanilang bahay ang biktima na naging dahilan upang hanapin ng mga kaanak.
Dakong 8 ng umaga, ilan sa mga kasamahan ng biktima ang naglilinis ng kanilang opisina hanggang sa mapansin sa isang tabi ang biktima.
Nang lapitan ay hindi na gumagalaw dahilan upang tumawag ng doctor at nakumpirmang ilang oras ng patay ang biktima.
The post Empleyado ng Caloocan city hall, todas nang matagpuan appeared first on Remate.