UMAKYAT na sa pito ang nasawi habang pumalo sa mahigit P816-million ang inisyal na halagang pinsala sa pananalasa ng bagyong Labuyo sa Northern Luzon.
Ayon sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagmula sa lalawigan ng Aurora at Quirino ang pinakamalaking bahagi ng pinsala ng bagyo.
Nabatid na sa Aurora province ay umabot sa halos P100-million ang pinsala sa imprastraktura habang mahigit P180-million naman ang nawasak sa Quirino dahil sa mga nasirang palay, mais at high-value crops.
Samantala, narekober na ang bangkay ni Benny Labio, ang kauna-unahang biktima ni Labuyo na tinangay ng tubig-baha sa bayan ng Jones, Isabela na nakuhanan pa ng video habang nakaupo sa ibabaw ng bubong ng kanilang bahay at humihingi ng saklolo.
The post Hagupit ni Labuyo: 7 patay, P800M ari-arian nasira appeared first on Remate.