PATAY ang isang mister nang malapitang barilin ng hindi pa nakilalang salarin noong Martes ng gabi sa kahabaan ng Apahap kanto ng Alumahan St., Northbay Boulevard North, Navotas City.
Dead-on-the-spot sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Christopher Saludaga, 36, may-asawa, ice vendor, ng B-6 Pamasawata 3A-111 C-3 Road ng nasabing barangay sanhi ng isang tama ng ‘di pa batid na kalibre ng baril sa ulo.
Mabilis namang tumakas ang ‘di pa nakikilalang salarin na nakasuot ng helmet bitbit ang ginamit na baril sakay ng motorsiklong hindi naplakahan.
Ayon sa ulat, alas-7:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.
Base sa impormasyon na nakarating kay Sr.Supt. Conrado Gongon, hepe ng Navotas pulis, mula sa saksing si Dennis Buenzo, hindi akalain ng biktima na siya ang target ng suspek sakay ng motorsiklo na huminto sa kanilang harapan.
Mabilis bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ito ng isang beses na nasapol sa ulo saka pinaharurot palayo ang sinasakyan na motorsiklo.
Nakarekober ang tauhan ng Scence of Crime Operatives (SOCO) ng isang hindi pa batid na empty shell ng ‘di pa batid na kalibre ng baril.
Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa krimen.
The post Mister malapitang binaril, todas appeared first on Remate.