KRITIKAL ngayon ang isang 20-anyos na vendor nang magtangkang magpakamatay sa pamagitan nang pagbaril sa sarili sa Quiapo, Maynila kagabi.
Inoobserbahan ngayon sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Saida Diamla, may-asawa, ng 648 Muslim Compound Center, Quiapo, Manila sanhi ng tama ng bala sa itaas na bahagi ng kanyang dibdib.
Sa report ni Senior Insp. Rolando Armendiz, ng Manila Police District (MPD)-Station 8 (Sta Mesa), dakong 8:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng biktima.
Sa pahayag ng asawa ng biktima na si Jamaila, pinapakain nito ang kanyang inang may-sakit nang narinig nito ang biktima na umiiyak kasunod nito ay malakas na putok ng baril at ng kanyang puntahan ay nakita niya si Saida na duguang nakadapa sa sahig dahilan upang isugod sa ospital.
Ayaw naman umanong tukuyin ni Jamaila kung ano ang dahilan ng tangkang pagpapakamatay ng biktima o aksidenteng nakalabit lamang ni Saida ang gatilyo ng baril kaya pumutok.
The post Vendor nagbaril sa sarili, kritikal appeared first on Remate.