Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

P150-K tinangay ng kawatan sa isang bigasan

$
0
0

GAMIT lamang ang isang tipak ng bato, natangay ng isang di pa nakilalang suspek ang halos P150,000 halaga mula sa isang bigasan sa Maynila noong Agosto 14.

Batay sa ulat ni Police Senior Inspector Aldin Balagat, Investigation Chief, tangay ng suspek ang P142, 000 mula sa Hyper Rice Trading, kahapon, sa 1501 Dagupan St. sa kanto ng Coral., sa Tondo, Maynila.

Inilarawan naman ni Jun Jun Seremonia, 31 anyos, supervisor ng naturang establisyimento, ang suspek na may taas na 5’6”, may suot na puting helmet, naka-maong na pantalon, naka-jacket na brown at may bitbit na bag.

Naganap ang insidente dakong 3:00 ng hapon nang biglang dumating ang suspek sa bigasan sakay ng kanyang pulang motorsiklo at agad na pinukpok ng dalang bato sa batok ang bantay ng tindahan na si Jhun-Jhun Villanueva, 19-anyos.

Agad na dumiretso ang suspek sa kahera ng naturang establisyimento at tinangay ang kinita ng bigasan.

Matapos makuha ng suspek ang laman ng kaha, agad din itong tumakas gamit ang kanyang motorsiklo.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang mahuli ang naturang suspek.

The post P150-K tinangay ng kawatan sa isang bigasan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>