INANUNSYO kaninang umaga, Agosto 18 ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang number coding scheme ay inalis muna sa Quezon City sa Lunes dahil sa pagdiriwang ng lungsod ng foundation day.
“No coding in QC tomorrow, August 19,” pahayag sa isang Twitter post ng MMDA, at idinagdag na ang selebrasyon ng Quezon City Day ay idineklarang isang holiday.
Kung ang number coding rule ay umiepekto, ang mga behikulo na ang plate numbers ay 1 at 2 ay hindi papayagan na bumiyahe sa major thoroughfares.
The post Number coding bukas sa QC sinuspinde appeared first on Remate.