Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Tauhan ng MMDA, nahaharap sa kasong extortion

$
0
0

KASONG robbery extortion ang isinampa laban sa isang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang maaresto ito ng mga tauhan ng Manila Police District- Manila Action and Special Assignment (MASA) sa isinagawang entrapment operation sa Sta. Mesa, Maynila kahapon.

Sinampahan ng 11 counts ng kasong robbery extortion sa Manila Prosecutors Office ang suspek na si Benjamin Capili, 44, ng 616 Gerona St. Tondo, Maynila.

Ayon kay C/Insp. Bernabe Irinco Jr., hepe ng MPD-MASA, nagtungo sa kanyang tanggapan ang ilang vendor upang ireklamo ang suspek dahil sa umano’y lingguhang pangongolekta umano nito ng “tong” sa kanila.

Agad na inatasan ni Irinco si PO3 Antonio Rigor upang magsagawa ng operasyon laban sa suspek kasama ang dalawang miyembro ng Manila Hawker’s Team.

Dakong 6:00 ng gabi  nang pumoste sa R. Magsaysay Blvd ang mga pulis at nakita ang pagdating ng suspek na si Capili.

Agad na dinamba ng mga pulis si Capili at dinala sa MASA station kung saan positibong itinuro ng mga vendors na nanghihingi sa kanila ng P20 at P50 tuwing Huwebes.

Dito na sinabi ng mga vendors na hihingan sila ni Capili ng nasabing halaga upang makapagtinda sila sa sidewalk sa panulukan ng  R. Magsaysay at V. Mapa St. sa Sta. Mesa, Maynila.

The post Tauhan ng MMDA, nahaharap sa kasong extortion appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129