Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

300 pamilya sa Pasay, inilikas

$
0
0

MAHIGIT sa 300 pamilya ang inilikas kahapon ng umaga ng pamahalaang lungsod ng Pasay mula sa 12 barangay na itinuturing na nasa “danger zone” dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng tubig-baha dulot ng pinagsamang lakas ng bagyong Maring at ng hanging Habagat.

Ayon sa ulat ni Jhonatan Maglaya, ng Public Information Office (PIO), alas-6 ng umaga nang sabay-sabay  inilikas ng Disaster Risk  and Reduction Management Office (DRRMO) ang 330 pamilya at pansamantalang nanunuluyan sa 8 evacution center.

Karamihan sa mga inilikas na pamilya ay dinala sa mga covered court, gymnasium, day care center at sa mga barangay hall.

Napag-alaman na lagpas bewang ang tubig-aha sa barangay Merville, Maricaban,Malibay, Electrical, Domectic,Villamor  at Tramo na hindi rin madaanan ng mga sasakyan.

Hindi rin madaanan ng mga maliit na sasakyan ang kahabaan ng EDSA Taft Avenue, kahabaan ng Buendia hanggang sa Ozmena Highway dahil sa hanggang tuhod ang tubig-baha na nasasakupan ng nasabing lungsod.

Ayon pa sa ulat ni Maglaya, patuloy ang kanilang pagmomonitor sa mga apektadong lugar na binaha gayundin ang kanilang pamimigay ng relief goods katuwang ang Pasay City Department of Social Welfare Development sa mga naapektuhan ng naturang bagyo.

Kasabay nito, nanawagan din ang pamunuan ng Pasay sa mga residente na huwag munang bumalik sa kanilang mga bahay hangga’t hindi naibababa ang “red rainfall warning” ng PAGASA at hindi ipinapayo sa kanila.

Kahapon ng umaga ay nagmistulang ilog ang South Super Highway dahil sa  “flashflood” sa kalsada ng magkabilang lane.

Maraming mga motorista ang na-istranded at tanging mga pampasaherong bus at trak lamang ang nakalulusot papasok sa South Luzon Expressway (SLEX).

Bukod sa lugar ng Pasay, maging ang karatig lungsod nito kagaya ng Paranaque at Las Pinas ay halos hanggang bewang ang tubig-baha.

Halos hindi rin madaanan ng mga sasakyan ang mga kalsada sa tapat ng SM Sucat, tapat ng Olivares Hospital, Evacom, Moonwalk Alvarez sa Paranaque City habang sa Pulang Lupa, San Isidro, Pamplona 3 ng Las Pinas City ay hanggang dibdib ang tubig-baha dahil sa patuloy pa rin ang pagbuhos ng  malakas na ulan.

Sa Muntinlupa City,  umabot sa 48 pamilya ang inilikas mula sa Barangay Tunasan, Poblacion , Putatan na naninirahan malapit sa sapa.

Samantala, halos sabay-sabay nagdeklara ng suspension order  sa klase sa lahat ng antas ang lokal na pamahalaang lungsod ng Pasay, Las Pinas, Paranaque at Muntinlupa matapos itaas ng PAGASA sa “red rainfall warning” ang buong Metro Manila dahil sa walang tigil ang buhos ng ulan simula pa noong linggo ng umaga hanggang kahapon.

The post 300 pamilya sa Pasay, inilikas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>