Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

4 Luzon dams, nagpakawala ng tubig

$
0
0

DAHIL sa malakas na pagbuhos ng ulan dulot ng  southwest monsoon o hanging Habagat na pinalakas pa ng tropical storm Maring, nagpakawala ng tubig ang apat na dam sa Luzon kaninang umaga (Agosto 19), ayon sa ulat ng state hydrologists.

Sinabi ni hydrologist Edgar Dela Cruz, ang Magat Dam sa Isabela at Ipo Dam sa Bulacan ay nagbukas na ng tig-isang pintuan. Samantala, ang  Ambuklao Dam ay nagbukas ng limang pintuan habang ang Binga Dam ay may 6. Ang Ambuklao at Binga ay kapwa nasa Benguet province.

Samantala, patuloy naman na minomonitor ng PAGASA, habang  umabot ito sa critical level.

“Kaunti na lang, mga .49 meters na lang, aabutin na ‘yung over spilling level nila. Sa kasalukuyan naka-steady sila sa 79.69, hindi tumataas, hindi rin bumababa,” pahayag ni Dela Cruz.

Gayunman, tiniyak naman ni Dela Cruz ang publiko na ang binuksan na pinto ay hindi dapat ipangamba dahil ang dams sa bansa ay maaaring maka-accommodate ng labis na tubig ng apat na binuksan  na dams.

“Ang Ambuklao at Binga parehong nakabukas, naka-series po ‘yan, papuntang San Roque Dam. Wala naman pong naapektuhang barangay ang mga dam na iyon  at lahat ng tubig na nilalabas nila ay sasaluhin po ng San Roque Dam,” pagmamalaki ni Dela Cruz.

“Ang Magat, nakabukas din ng one gate, pero sa ngayon wala pa naman kaming nare-receive na reports na nagbabaha sa Isabela o Cagayan Valley,” dagdag pa nito.

Bumuhos ang ulan sa kabuuan ng Metro Manila at ilang parte ng Luzon sanhi ng southwest monsoon na pinalakas pa ng agyong Maring.

Ang  dams na may bukas na pintuan ay Ipo: 1 gate/0.3 meters,  Ambuklao: 5 gates/6.5 meters,

Binga: 6 gates/9.5 meters, at Magat: 1 gate/2 meters.

The post 4 Luzon dams, nagpakawala ng tubig appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>