Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

3 Korean nationals arestado sa pangingidnap sa kanilang kababayan

$
0
0

KALABOSO ang tatlong Korean nationals nang maaresto sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Pasay City Police Special Operation Unit (SOU) makaraang kidnapin nito ang kanilang kababayan at manghingi ng P5 milyon kapalit ng kalayaan nito sa Muntinlupa City.

Kinilala ni C/Insp. Joselito Santa Teresa, ng SOU Pasay City Police, ang naarestong suspek na sina Bae Song Won, 40, casino agent, ng Unit 7 L, Robinson Tower, Adriatico St., Manila; Park Yong Nam, 37 at Kim Min Dong, 34, kapwa taga no. 65 Bacolod St., Alabang Hills,  Muntinlupa City makaraang kidnapin nila ang biktimang si Joen Tai Soon, isa ring Korean national.

Sa ulat ng pulisya, dakong 5 ng madaling araw ng isagawa ang operasyon laban sa mga suspek kung saan ay nasagip nila ang biktima sa tinutuluyan ng suspek na sina Nam at Dong.

Nauna dito, humingi umano ng tulong ang mga kaanak ng biktima at abogado nito na si Atty. Genaro Cabral sa mga pulis hinggil sa naganap na pagdukot sa biktima.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, dinukot umano ang biktima ng mga suspek noong Agosto 16, 2013, sa Resort World Hotel habang nasa loob ito ng casino, sa Newport St., Pasay City bandang alas-4 ng madaling-araw.

Humingi umano ang mga suspek ng halagang P5 milyon ransom money sa mga kaanak ng biktima kapalit ng kalayaan nito.

Dahil dito, agad na ipinag-utos ni Police S/Supt. Rodolfo Llorca, hepe ng Pasay City Police, sa kanyang mga tauhan para sagipin ang biktima na nagresulta naman ng pagkakadakip sa mga suspek.

The post 3 Korean nationals arestado sa pangingidnap sa kanilang kababayan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>