PWERSAHANG inilakas ang may 600 pamilya sa gilid ng Tullahan River sa Malabon dahil sa posibilidad ng high tide at pag-apaw ng tubig mula sa La Mesa Dam.
Ipinahayag ni Malabon Mayor LenLen Oreta, unang inilikas sa Potrero Elementary School ang mga may sakit, matatanda, bata at kababaihan habang mababa pa ang tubig sa lugar.
“Forced evacuation ang ginagawa. Last year, Habagat, may mga namatay and we don’t want that to happen,” ayon kay Oreta.
Nauna rito, inilikas din ang mga residente mula sa East Riverside, Barangay Potrero dahil sa pagbahang dulot ng patuloy na pag-ulan.
The post 600 pamilya sa gilid ng Tullahan River, puwersahang inilikas appeared first on Remate.