SINUNOG ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang apat na heavy equipment ng isang construction firm sa Barangay Ladayon, Arakan, North Cotabato bilang bahagi ng kanilang pangingikil sa ilang kompanya.
Nabatid na 30 armadong NPA ang dumating sa compound ng Davao Concreting Product Corporation (DCPC).
Base sa salaysay ng guwardiya ng naturang kompanya, bago nangyari ang insidente inihayag ng armadong grupo na hinahanap nila ang management ng kompaniya upang mangolekta ng pera.
Kabilang sa mga equipment na sinunog ng mga NPA ay isang bulldozer, road grader at dalawang Mitsubishi Elf hauler trucks.
The post 4 heavy equipment sinunog ng NPA sa Cotabato appeared first on Remate.