Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bagyong Maring napanatili ang lakas

$
0
0

NAPANATILI ng bagyong “Maring” ang lakas habang tinatahak ang Silangan ng Itbayat, Batanes.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang mata ng bagyong si Maring sa layong 600 kilometro ng Silangan ng Itbayat, Batanes alas-4:00 ng umaga kanina.

Taglay ni Maring ang lakas ng hangin na 95 kilometro bawat oras (KPH) at bugso ng hangin na aabot hanggang 120 kilometro bawat oras (KPH).

Si Maring ay kumikilos sa bilis na 11 kilometro bawat oras (KPH) sa  direksyon ng Hilagang Luzon.

Dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan simula nitong Linggo ng gabi, maraming lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan sa Katimugang Luzon ang pinalubog ng tubig baha.

Ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Maring sa Huwebes.

The post Bagyong Maring napanatili ang lakas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>