Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Mga residente ng Caloocan inilikas na

$
0
0

DAHIL sa pag-apaw ng La Mesa dam bunsod ng walang tigil na pag-ulan, inilikas na ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ang mga residente na naninirahan malapit sa Tullahan River at maging ang mga nasa mababang lugar sa lungsod, Martes ng tanghali, Agosto 20.

Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, nararapat na ilikas ang aabot sa 200 pamilya na nakatira malapit sa Tullahan River upang maiwasan ang sakuna dahil sa walang humpay na pag-ulan at posibleng pagpapakawala ng tubig ng La Mesa dam.

Umabot na sa 760 pamilya sa buong lungsod na naninirahan sa mababang lugar ang agad na inilikas sa mga evacuation center.

Personal namang iikutin ni Malapitan ang mga itinalagang mga evacuation center upang siguruhin na nasa ligtas na kalagayan ang mga pamilyang inilikas.

The post Mga residente ng Caloocan inilikas na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>