NIYANIG ng 2.9 magnitude na lindol ang Capoocan, Leyte kaninang madaling-araw, Agosto 20,2013.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naramdaman ang lindol sa silangan ng Capoocan, Leyte, alas-4:17 ng umaga kanina.
Sinabi ng Phivolcs na naramdaman ang intensity 3 na lindol sa Capoocan, Carigara, Leyte, habang naitala naman ang intensity 2 na lindol sa Tunga, Leyte at Kananga.
Nabatid pa sa Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng ay 008 kilometro.
The post Leyte niyanig ng 2.9 magnitude na lindol appeared first on Remate.