NALAGAS sa aksidente ang tatlong kalalakihan habang sugatan naman ang isa pa nang suwaginin ang kasalubong na traysikel sa North Cotabato kaninang madaling-araw, Agosto 21.
Dead on the spot dahil sa basag sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktimang sina Zainal Wahid, Watari Aliman at Ador Macapeges, habang kritikal naman ang isa pa nilang kasamahan na si Guiara Omal, pawang ng Pikit town sa North Cotabato.
Hindi naman nabanggit sa ulat ng Pigkalagan PNP kung ano ang nangyari sa tricycle driver na nakabanggaan ng mga biktima.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-5:15 ng madaling-araw sa national highway ng Barangay Baguer sa North Cotabato town.
Ayon sa pulisya, bago ang insidente ay papunta sa Cotabato City ang mga biktima nang ang kanilang sinasakyang motorsiklo habang inuunahan ang isa pang sasakyan ang sumalpok sa kasalubong na traysikel.
Sa lakas na pagkakasalpok, tumalsik ang motorsiklo at bumalandra sa isang nakaparadang cargo truck sa nasabing highway.
Sa pagsisiyasat ng traffic investigators ng Pigcalagan municipal police, tila may hinahabol ang mga biktima dahil ang kanilang motorsiklo na walang plaka ay rumagasa ang takbo nang suwagin ang papalapit na traysikel.
The post Motor vs traysikel, 3 lagas appeared first on Remate.