NALAGAS sa aksidente ang tatlong teenager habang kritikal naman ang isa pa nilang kasamahan nang sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa gilid ng nakaparadang trak sa Aurora province, Miyerkules ng hapon, Agosto 21, sa ulat ng pulisya.
Dead on the spot sanhi ng tama sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga hindi nakikilalang biktima na pawang menor de edad.
Nasa kritikal na kondisyon naman ang ikaapat na biktima na hindi rin nakuha ang pangalan pero ang edad ay tinatayang 15, dagdag pa ng ulat.
Naganap ang insidente alas-4:55 ng hapon sa national highway ng Barangay Bacoong, San Luis town, Aurora province.
Lumabas sa imbestigasyon na bago ang insidente ay lulan ang apat na magkakaibigan sa kanilang motorsiklo at patungo sa Baler.
Pero pagsapit sa lugar, sumalpok ang motorsiklo ng mga biktima sa gilid ng nakapardang trak habang lumiliko sa kurbadang kalsada.
Inaresto ng pulisya ang truck driver na si Dionisio Robelido at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at serious physical injury.
The post Motorsiklo vs trak; 3 bagets lagas, 1 kritikal appeared first on Remate.