ARESTADO ang isang barangay treasurer at dalawang tauhan nito ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency at pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Quezon City noong Agosto 17, 2013.
Kinilala ni PDEA Director General Usec. Arturo Cacdac Jr., ang mga nahuling suspek na sina Remus Alindogan, 38, brgy. treasurer ng Bulawan, Irosain, Sorsogon; Jobert Garcera , 31, isang helper at Jose Oro Lozada, magsasaka, pawang ng Irosin, Sorsogon.
Ang dalawa ay nadakip ng pinagsanib na puwersa ng PDEA RO5 Sorsogon sa pamumuno ni Dir. Archie Grande at mga elemento ng Sorsogon Police Provincial Office, Provincial Intelligence Service sa inilunsad na entrapment operation sa loob ng Sabang Park and Beach Resort Zone 2 Bulan Sorsogon .
Nakumpiska sa tatlo ang dalawang sachet ng shabu, drug paraphernalias, isang Suzuki Sky drive motorcycle at Marked money na ginamit sa operasyon.
The post Bgy. treasurer, 2 pa huli sa shabu appeared first on Remate.