APAT ang natodas habang may 60 ang bumagsak sa ospital nang malason sanhi ng pagkain ng pawikan sa Eastern Samar.
Sa ulat ng Department of Health (DOH) regional epidemiology and surveillance unit (RESU), ang magkakamag-anak na mga biktima na hindi nakuha ang mga pangalan ay namatay habang ginagamot sa isang ospital sanhi ng pagkain ng ginataang pawikan.
Inoobserbahan naman sa nasabing ospital ang may 60 katao dahil sa pagsusuka, pagtatae at pagkahilo matapos kumain din ng nasabing laman-dagat.
Ang mga biktima ay pawang residente sa bayan ng Arteche sa Eastern Samar.
Bago ito, nagsitikiman ng ginataang pawikan ang may 65 na bisita sa isang okasyon sa lugar pero maya-maya lamang ay nakaramdam ng pagsusuka, pananakit ng tiyan at pagkahilo kaya nagpasugod sa pagamutan.
Ayon sa mga doktor, maasring kontaminado na ng bakterya ang pawikan at kaya namatay agad ang apat sa mga biktima ay posibleng ang nakain nila ay sa parte ng ulo ng pawikan na mas matindi ang tama ng bakterya.
Ayon pa sa DOH-RESU, ang pawikan ay isa sa itinuturing na endangered species at mahigpit na ipinagbabawal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang paghuli at pagkatay sa kanila pero wala naman sinabi kung maaari itong kainin ng tao.
The post 4 tigbak sa tsinibog na pawikan appeared first on Remate.