Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 LPA namataan sa Western Pacific Ocean, Mindanao

$
0
0

HINDI lang isa kundi dalawang low pressure area (LPA) na naman na nasa labas pa ng teritoryo ng Pilipinas ang binabantayan ngayon ng weather forecasters na maaaring maging ganap na bagyo at magpapalakas pa rin ng hanging habagat.

Sa hiwalay na weather bulletin ng Joint Typhoon Warning Center ng US Navy, tuluyan nang naging bagyo ang isa sa low pressure area na nasa bahagi ng Western Pacific Ocean, na ngayon ay may international name na Pewa.

Sa latest dynamic forecast models, patuloy na lumalakas ang bagyo na huling namataan sa layong 4,830 kilometers sa silangan-hilagang-silangan ng Pilipinas at may taglay na maximum winds na 65 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna.

Ito ay umuusad sa bilis na 11 kph sa pangkalahatang direksyon na pa-kanluran-hilagang kanluran.

Bagama’t malayo pa sa teritoryo ng Pilipinas, pero possible nitong paiigtingin din ang epekto ng habagat na  magdadala ng mga pag-ulan sa mga apektadong lugar sa Luzon.

Samantala, isa pang weather system ang patuloy na minomonitor ngayon ng Pagasa sa silangan ng Mindanao.

Ayon sa state weather bureau, bagama’t nasa labas pa ng teritoryo ng Pilipinas pero may posibilidad din itong maging bagyo dahil nanatili pa sa karagatan.

Sakaling tuluyang maging bagyo at pumasok sa teritoryo ng bansa, ito ay tatawaging bagyong Nando.

Samantala, asahan naman na makakaranas na nang mas magandang lagay na panahon ang malaking bahagi ng bansa sa Sabado sakaling patuloy ang paglayo ng bagyong Maring na ngayon ay nagland-fall na sa bahagi ng Taiwan.

The post 2 LPA namataan sa Western Pacific Ocean, Mindanao appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>