DALAWANG bangkay ang kinilala na ng pulisya makaraang malunod sa magkahiwalay na ilog habang nasa kasagsagan ng pagbuhos ng malakas na ulan sa Paranaque City.
Unang kinilala ang biktimang si Purificacion Nalus, 83, ng Mayuga Compound, Almanza Uno, Las Piñas City ng kanyang anak makaraang lumutang ang bangkay nito alas-9 ng umaga sa isang ilog malapit sa Methew St., Multinational Village, Brgy Moonwalk.
Sa pahayag ni Ricardo Nalus, 37, anak ng biktima, nahulog ang kanyang ina sa ilog malapit sa kanilang bahay sa Mayuga Compound noong Lunes alas-9:30 ng gabi habang nasa kasagsagan ng malakas na buhos na ulan dulot ng hanging habagat.
Ang pangalawang biktima naman ay kinilalang si Ebenezer Del Rosario, 17, nakatira sa Blk 3 Lot 7 San Agustin St., United Paranaque Subdivision nang lumutang sa isang ilog sa loob ng Area 6 sa naturang subdivision sa Barangay San Isidro, Paranaque City dakong alas-11:30 ng umaga.
Napag-alaman na noong Martes ng hapon, alas-4:30 ay nagtungo ang biktima sa bahay ng kaibigang si John Patrick Garcia, 18 at niyaya ang binatilyo na maligo sila sa ilog.
Kapwa umano tumalon ang dalawa at pagdating sa tulay sa Filipinas Avenue subalit tinangay ng malakas na agos ang biktima at hindi na nakita ng kanyang kaibigan.
The post 2 bangkay lumutang sa ilog sa Parañaque appeared first on Remate.