DALAWANG lalaking guro ng elementarya at high school ang kapwa inaresto ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations sa Leyte at Agusan del Norte.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G Cacdac, Jr. ang mga nahuling suspek na sina Ruel Congzon, 44, public high school teacher sa Dulag National High School; at Micheal Villaceran, 40, dating elementary school teacher sa Department of Education (DEPED) at residente sa Barangay 1, Apagan, Nasipit, Agusan del Norte.
Nauna rito si Congzon ay nadakip matapos makipag-transact sa isang poseur buyer noong August 20, 2013 sa Barangay Buntay, Dulag, Leyte.
Nakuha kay Congzon ang marked money na P500 na ginamit sa buy bust at shabu.
Nabatid na si Cingzon ang tulak ng shabu sa Barangay Buntay, Dulag at karatig munisipalidad sa Leyte.
Samantala, nadakip naman si Villaceran sa pamamagitan ng search warrany operation na inilunsad ng mga tauhan ni Dir. Erwin Ogario ng PDEA Regional Office 13 (PDEA RO13) noong August 17, 2013 kung saan nakumpiska sa kanya ang mga drug paraphernalias at mantsa ng shabu sa loob ng bahay nito sa Barangay 1.
Dahil dito, si Congzon ay kinasuhan ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang si Villaceran ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs).
The post 2 teacher tiklo sa pagtutulak ng shabu appeared first on Remate.