Rizal – Mas karumal-dumal ang kamatayan ng 12-anyos na batang babae sa naganap na “Morong Masaker” matapos lumabas sa medico legal na siya ay nilunod sa washing machine noong gabi ng Agosto 15, sa Morong.
Ayon kay P/Supt. Pilemon Portiuncula, chief Provincial Medico Legal Officer ng Rizal PNP, si Zynacynt Dalope, ng 1045 Capinpin St., Bgy. San Juan ay nilunod sa washing machine na puno ng nilalabhang damit.
Lumabas din sa ulat na ang kanyang amang si Dr. Edgar Dalope ay pinagsasaksak sa leeg at trunk maliban sa pagbigti dito habang ang kanyang ina ay nagtamo rin ng maraming tama ng saksak sa leeg at trunk.
Matatandaan na nadiskubre ang karumal-dumal na krimen, alas-11:20 ng umaga ng kapatid ng dentist na si Mark Anthony Dalope nang sumilip siya sa bahay ng kapatid.
Ang dentista ay natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng banyo habang ang asawa nitong si Ma. Teresa ay nakitang wala nang buhay at tadtad din ng saksak sa kitchen ng kanilang bahay.
Hanggang sa kasalukuyan ay blangko pa rin ang pulisya sa naganap na masaker.
The post Bata sa ‘Morong massacre’ nilunod sa washing machine appeared first on Remate.