KRITIKAL ang isang ginang matapos barilin ng asawa matapos umawat sa away ng huli at kanilang anak sa Caloocan City, Biyernes ng gabi, Agosto 23.
Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo si Eriquita Apostol, 62 ng Maligaya St., Bagong Barrio ng lungsod.
Pinaghahanap naman ng mga pulis si Demetrio Ordillos Sr., nasa hustong gulang ng nasabing lugar.
Batay sa ulat, dakong 6:00 ng gabi, nagtatalo ang suspek at anak na si Jr., sa labas ng kanilang bahay na naging dahilan upang awatin ng biktima.
Nagalit ang suspek sa asawa at walang salitang binunot ang dalang baril at pinutukan ang asawa bago tumakas.
Dinala naman ang biktima sa MCU kung saan inaalam na kung ano ang pinagtalunan ng mag-ama.
The post Misis nabaril ni mister, kritikal appeared first on Remate.