Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Korean national, nasagip ng PCG

$
0
0

NAILIGTAS sa tiyak na kapahamakan ang isang bakasyunistang Korean national matapos na tangayin ng malalaking alon habang lumalangoy sa isla ng Boracay.

Ang biktima na nagpapalakas na lamang sa Boracay District Hospital ay nakilalang si Li Sung Jin, 24, tubong Seoul, South Korea at nagbabakasyon lamang sa isla.

Sa ulat ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), lumangoy ang biktima kahit na malalaki ang alon kaya tinangay ito sa malalim na bahagi ng dagat.

Sa kabutihang palad, nakita ng naka-standby na lifeguard at mga miyembro ng Philippine Coast Guard ang Koreano na sumisigaw at humihingi ng tulong kaya tawag ng tungkulin ay sinagip ito agad.

The post Korean national, nasagip ng PCG appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>