Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

DOH nagbabala ukol sa tetano

$
0
0

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) na posibleng matetano ang mga taong nagtamo ng sugat o pinsala dahil sa paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon mamaya.

Payo ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), na hindi dapat na mag-self medication o maggamot ng sarili ang mga taong hindi napigilang magpaputok sa pagsalubong sa Taong 2013 at nagtamo ng sugat dahil posible itong mauwi sa mas matindi pang pinsala.

Ayon kay Tayag, hindi dapat na lagyan ng toothpaste o yelo ang sugat mula sa paputok dahil aalisin rin naman ito ng doktor. Hahapdi lamang naman aniya ang sugat kapag nilagyan ng alcohol.

Sinabi ni Tayag na mas makabubuti kung itatapat ang sugat sa running water upang maalis ang dumi, mapalamig ito at maprotektahan ang mga parte na hindi napinsala.

Dapat rin aniyang ibalot ito sa malinis na tela upang hindi madumihan.

Ani Tayag, dapat dalhin sa doktor ang isang taong nasugatan sa paputok upang malapatan ng lunas, dahil maaari ring mapinsala ang buto nito.

Sakali naman umanong mata ang masugatan, hindi ito dapat na kuskusin dahil pwedeng mas  mapinsala at sa halip ay itapat ito sa running water.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129