Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

‘Nando’ nanatili sa kanyang lakas habang papalabas ng bansa

$
0
0

NANATILI sa kanyang lakas ang bagyong Nando habang tinatahak nito ang Aparri, Cagayan palabas ng bansa kahapon ng umaga Agosto 27,2013 (Martes).

Namataan ang mata ng bagyong Nando sa layong 210 kilometro ng Silangan ng Aparri Cagayan dakong alas-10:00 ng umaga kanina.

Ayon kay Ben Oris weather observer ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (Pagasa) nakataas ang babala ng signal number 1 sa Batanes Group of Island.

Habang nakataas naman ang babala ng signal number 2 sa mga lalawigan ng Cagayan, kabilang ang Calayan at Babuyan Group of Island,Apayao at Isabela.

Sinabi pa ni Oris na ang bagyong Nando ay may lakas ng hangin na 75 kilometer per hour (KPH) at bugso ng hangin hanggang 90 kilometro bawat oras (KPH).

Nabatid pa sa Pagasa na si Nando ay kumikilos sa bilis na 15 kilometro bawat oras (KPH) patungo sa direksyon ng Hilaga-Hilagang Kanluran.

Inaasahang sa Huwebes ng umaga lalabas na ng bansa ang bagyong Nando.

The post ‘Nando’ nanatili sa kanyang lakas habang papalabas ng bansa appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>