PATAY ang isang 59-anyos na Fuel Inspector nang barilin ng ‘di nakilalang suspek sa Tondo, Maynila kaninang umaga.
Si Leonardo Pelaez, Fuel Inspector ng Oceanic Container at residente, ng Unit A-4 276 P. Hererra St., Tondo, Maynila ay namatay habang ginagamot sa Mary Jhonston Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo.
Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas dala ang ginamit na baril.
Sa report ni SPO1 Rommel Del Rosario ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-6:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa isang eskinita sa harapan ng tinitirhang building ng biktima.
Ayon sa salaysay ng asawa ni Leonardo na si Leona, narinig niyang may kausap ang kanyang mister sa cellphone na isang “Al” na umano’y humihiram ng pera sa kanyang asawa.
Bumaba umano ang biktima mula sa 3rd floor ng kanilang inuupahang bahay upang umano’y ibigay ang perang hinihiram ni “Al” subalit ilang sandali lang nang nakarinig siya ng putok ng baril at nang kanyang alamin ay nakita ang biktima na duguang nakahandusay sa semento.
Nabatid na matapos ang papamaril ay tumakas ang suspek sa direksiyon ng Lualhati St.,
Isinugod ang biktima sa ospital subalit namatay rin habang ginagamot.
Ayon kay Del Rosario, bagama’t si Al ang huling kausap ng biktima, inaalam pa kung may kaugnayan ang huli sa pagpatay sa biktima.
The post Inspector itinumba, patay appeared first on Remate.