PATAY na nang matagpuan ang isang 35-anyos na babae sa loob ng kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila kagabi.
Tinatayang ilang oras nang patay ang biktikmang si Rosalinda Abes, dalaga, walang trabaho ng 603 Sulukan St., Sampaloc, Manila.
Sa report ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 6:30 ng gabi nang matagpuang patay ang biktima sa loob ng kuwarto nito.
Ayon sa salaysay Brigido, tatay ng biktima, huling nakitang buhay ang biktima dakong 12:00 ng tanghali kahapon matapos itong mananghalian ay umakyat sa 2nd floor ng kanilang bahay nang bigla na lamang itong bumagsak.
Tila hindi naman umano ininda ng biktima ang pagkakabagsak nito dahil tumayo pa ito saka pumasok sa kanyang kuwarto at nagpahinga.
Dakong 6:30 ng gabi ay tinawag ang biktima upang maghapunan subalit hindi ito sumasagot kaya inakyat siya ng kanyang tatay subalit bumulaga sa kanya ang anak na matigas na ang katawan at patay na.
Ayon kay Mang Brigido, matagal nang iniinda ng biktima ang depresyon sa kanyang sarili.
The post Bebot bumagsak, patay appeared first on Remate.