TODAS ang isang hindi pa kilalang lalaki matapos mabangga ng bus habang tumatawid sa Caloocan City, Lunes ng gabi, Agosto 26.
Sumuko naman sa mga pulis si Solomon Acuna Jr., nasa hustong gulang at driver ng Nissan Bus TXK-258 na pag-aari ng Martin Tour Bus.
Batay sa ulat, dakong 6 ng gabi, tumatawid ang biktima sa EDSA ng lungsod nang mabundol ng bus na dala ng suspek.
Tumilapon at bumagsak sa kalsada ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa Manila Central University Hospital subalit hindi na umabot ng buhay.
Inaalam na ng mga pulis kung sino ang biktima.
The post Lalaki nasagasaan ng bus, todas appeared first on Remate.